Rebisyon ng USG Election Code, pinag-usapan sa LA session

15 June 2017
222 Views

nina Joyce Ann Danieles at Juan Miguel Canja

TINUTUKAN sa Legislative Assembly (LA) Session ang pagpapatuloy sa usapin ng nakabiting manifesto ukol sa rebisyon ng Election Code of the University Student Government (USG), Hunyo 14 sa Faculty Center Conference Room 2D.

Katuwang ng LA ang DLSU Commission on Elections (COMELEC) Commissioners, at mga kinatawan ng Alyansang Tapat sa Lasallista (TAPAT) at Iisang Tugon sa Tawag ng Panahon (SANTUGON) sa isinagawang sesyon.

Unang tinalakay ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng 24-hour grace period mataposĀ ang itinakdang araw ng pagpapasa ng Certificate of Candidacy (COC). Magbibigay ito ng pagkakataon sa mga kandidato na magkaroon ng sapat na panahon sa pagsasaayos ng clerical errors sa kanilang COC. Bago maipasa ang manifesto, napagkasunduan ng LA at ng COMELEC na ibigay ang grace period ngunit ibinaba rin ito sa 18 oras sa halip na 24.

Sunod na pinag-usapan ang manifesto tungkol sa paglimita sa gastusin para sa pangangampanya ng bawat partido o kandidato. Layunin nitong magbigay ng pantay na pagkakataon sa lahat ng mga tatakbong kandidato.

Sa kabilang banda, iminungkahi ng isang LA represenatative ang pagkakaroon ng audit sa campaign funds ng dalawang partido upang maisulong ang transparency nito. Napagdesisyunan din ng LA na hindi ipasa ang panukala sapagkat maaaring isipin ng studenty body na pondo ng Pamantasan ang ginagamit ng mga partido sa pangangampanya. Nilinaw ng Tapat at Santugon na nagmula sa kontribusyon at sponsorship ang kanilang campaign budget.

Pagpapataas sa grade requirement na 2.0 mula 1.75 ang pangatlong manifesto na pinag-usapan. Kasabay ding tinalakay ang usapin ukol sa pagpapababa ng bilang ng units na maaaring ibagsak ng mga nais pumasok sa USG. Mula 18 units (COB, CLA, BAGCED, SOE at COS), 20 units (Computer Studies), at 23 units (LIACOM at COE), ibababa ito sa 15, 18, 21, ayon sa pagkakasunod-sunod. Matapos ang diskusyon, napagpasyahan ng LA na panatilihin na lamang sa orihinal na bilang ang grade at unit requirement.
Huling isinagawa ang diskusyon tungkol sa bilang ng units na maaaring ibagsak ng isang student leader habang nanunungkulan sa USG. Magsisilbing-batayan ang 9 units na palugit para malaman kung maaaring tumakbo ang isang estudyante sa General Elections. Ibinasura ng LA ang panukala dahil hindi naabot ang kinakailangang 19 boto.

 

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?