USG GE at iba pang isyu, tinutukan ng LA

4 June 2017
242 Views

ni Robert Jao Diokno

PINAG-USAPAN sa Legislative Assembly (LA) Session ang paglalabas ng open letter tungkol sa Sexually Transmitted Infections (STI) at Sexually Transmitted Diseases (STD) prevention, pagpapatupad ng mga bagong polisya sa USG General Election (GE), at pagsasagawa ng manual para sa Admin-USG guidance meeting, Hunyo 2 sa LS218.

Unang tinalakay ang bukas na liham ukol sa pagpigil sa pagkalat ng STI at STD. Layunin ng open letter na magbigay-kaalaman sa mga Lasalyano sa posibleng epekto ng ganitong uri ng sakit. Matapos ang ilang rebisyon, napagpasyahan ng LA na ipasa ang open letter.

Sunod na pinag-usapan ang manifesto tungkol sa pagkakaroon ng archives ng mga resolusyong nasa Word format. Hinahangad ng manifesto na bumuo ng Google Drive ng mga resolusyong naipasa ng LA. Napagdesisyunan ng LA na ibasura ang resolusyon dahil sa pagiging impraktikal nito.

Pagkakaroon ng manual para sa Admin-USG executory guidance meeting ang ikatlong agenda na pinag-usapan ng LA. Ninanais nitong magsagawa ng mga informal meeting kasama ang admin upang maging tulay ang USG Executive Board (EB) sa pagpaparating ng hinaing ng student sector. Sinang-ayunan ng LA na isantabi muna ang manifesto dahil nais nilang makadalo ang mga proponent sa pagtalakay nito.

Huling tinalakay sa sesyon ang manifesto ukol sa mga pagbabago sa polisiya ng COMELEC sa mga nagnanais na kumandidato sa USG General Election. Isa sa mga nabanggit na polisiya ang pagpapataas ng grade requirement sa 2.0 mula 1.75 Ipinagpaliban muna ng LA ang paggawa ng desisyon sa manifesto dahil nais nilang makadalo ang DLSU Commission on Elections (COMELEC) Commissioner sa diskusyon.

Plano ng LA na isapinal ang desisyon para sa dalawang manifesto sa susunod nitong sesyon.

 

Retrato – kuha ni Samantha Ramos

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?