Bagong transport services, ipinaliwanag sa Town Hall Meeting

19 May 2017
343 Views

ni Alyssa Gervacio

TINALAKAY sa Town Hall Meeting on Arrows Express Chance Passengers ang pagkakaroon ng mga van bilang bagong transport services ng Pamantasan, Mayo 18 sa LS230.

Inilatag ni Director of Support Services Robspierre Porsovigan ang paglulunsad ng bagong transport services ng Pamantasan upang magbigyan ng alternatibong sakayan ang chance passengers. Inaasahang magsisimula ang operasyon nito sa ikatlong term at babyahe sa parehong Taft at STC campus.

Maliban rito, may mga pagbabago sa patakaran ng Arrows Express na inaprubahan ng President’s Council ng Pamantasan. Maaari lamang sumakay ang mga pasaherong may intercampus classes at official business transaction sa parehong Taft at STC campus. Isasaalang-alang ang katayuan ng nais sumakay sa seat reservation upang matukoy ang mauunang pasahero–kung estudyante o propesor.

Ipatutupad ang online reservation system at ID tapping facility sa bagong sasakyan para sa mga chance passenger. Magsisilbing manifesto naman ang ID tapping facility upang matukoy ang mga pasahero at kanilang babaan.

Ipinahayag din ni Porsovigan ang mga benepisyong dulot ng pagsakay sa van kompara sa shuttle. Bukod sa mas makatitipid ito ng oras, makatutulong din ito upang mabawasan ang carbon emissions. Dagdag pa niya, “Ang magiging potential savings ng university would amount to almost 1 million if we open for a van instead of the coasters”.

Maaaring sumakay ang mga chance passenger sa transport services bilang mga “paying passenger.” Mahigpit na ipatutupad ang “first come, first serve” na alituntunin dito.

Hiningi ng Support Services ang opinyon ng mga dumalong pasahero ng Arrows Express upang matukoy nila ang ideyal na presyo ng pamasahe ngunit wala pang pinal na desisyon kaugnay rito.

Iaanunsyo ang opisyal na simula ng operasyon ng bagong transport system sa pamamagitan ng Help Desk Announcement.

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?