Back-to-back championship, ikinasa ng DLSU Lady Spikers!

7 May 2017
680 Views

nina Maricho Sermon at Christian Gerard Villalba

NASUNGKIT ng DLSU Spikers ang kanilang ika-10 championship title nang patumbahin ang Ateneo Lady Eagles sa best of three finals series ng UAAP Season 79 Women’s Volleyball tournament, 19-25, 25-14, 18-25, 25-18, 15-10, Mayo 6 sa Smart Araneta Coliseum. Itinanghal bilang Most Valuable Player of the finals si Desiree Cheng dahil sa ipinamalas na kahusayan sa huling laban.

Tangan ng Ateneo Lady Eagles ang bentahe sa pagpasok ng first technical timeout ng unang set, 4-8. Gayunpaman, hindi nagpatinag ang Lady Spikers upang makadikit sa kalaban, 15-15. Bunsod ng kabi-kabilang errors ng Taft-based squad, muling nakalayo ang Ateneo, 17-23. Sa huli, nasungkit ng Katipunan-based squad ang unang set mula sa croos court hit ni Lady Eagle Jhoana Maraguinot, 19-25.

Maagang nag-init naman ang Green and White team sa pagpasok ng ikalawang yugto. Buhat nang service aces ni team captain Kim Fajardo at matitinik na palo ni Kim Dy, lumubo ang kalamangan ng Lady Spikers, 11-3. Nagpaulan ng kabi-kabilang errors ang Lady Eagles dahilan para makamit ng Lady Spikers ang 16-7 na bentahe sa pagpasok ng second technical timeout. Nasungkit ng Taft-based squad ang ikalawang set, 25-15, mula sa off the block spike ni Dy.

Sa pagsisimula ng set 3, tuloy-tuloy ang kahusayang ipinamalas ni Lady Spiker Majoy Baron. Nagpaulan ng quick hits ang atleta na naging dahilan para makaabante ng 3, 4-1. Gayunpaman, tinapatan ng ADMU ang koponan at nauwi sa palitan ng puntos. Dikit ang naging laban hanggang sa tuluyang umarangkada ang ADMU sa kalaanunan, 16-22. Nahirapang makipagsabayan ang DLSU Lady Spikers at nagtamo ng iskor na 18-25 para sa ikatlong set.

Hindi nagpahuli ang dalawang koponan dahil sa umaatikabong palitan ng hits. Naging tabla ang puntos sa unang bahagi ng ikaapat na set hanggang sa magpakawala sina Cheng at Ogunsanya ng cross court hits, 17-14. Nagpatuloy ang momentum ng Taft-based squad hanggang sa masungkit ang set, 25-18.

Naging mabilis ang takbo ng laro sa huling set bunsod ng depensa ng DLSU Lady Spikers sa pangunguna nina Baron at Ernestine Tiamzon, 6-1. Humabol naman ang Katipunan-based squad sa tulong ni Kassandra Gequillana, 10-7. Gayunpaman, tangan ng DLSU Lady Spikers ang momentum hanggang sa dulo ng laban dahilan upang maging kampeon ang koponan, 15-10.

Muli na namang nagtagumpay ang Lady Spikers at pinatunyan ang kanilang galing at lakas sa larangan ng volleyball. Kasabay ng tagumpay ng Lady Spikers ang pagpuri sa legendary coach na si Coach Ramil de Jesus. Para sa kanya, simple lamang ang naging sikreto ng kanyang koponan: “sistema, hard work, at disiplina.”

 

Retrato – Kuha ni Justin Ray Aliman

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?