19th PASADO Awards Night, matagumpay na idinaos

5 May 2017
288 Views

nina Josee’ Ysabella Abriol at Kathleen Elayda

PINARANGALAN ang natatanging pelikulang Pilipino at alagad ng sining sa taunang Gawad Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO) Awards Night, Mayo 3 sa Teresa Yuchengco Auditorium.

Ayon kay PASADO Chairman of the Board of Trustees Dr. Emmanual Gonzales, pangunahing layunin ng patimpalak na kilalanin ang katangi-tanging pelikulang Pilipino na maaaring magamit sa pagtuturo. Paliwanag niya, dumadaan sa masusing deliberasyon ang lahat ng pelikulang ipinapalabas bawat taon bago tuluyang kilalanin at irekomenda sa mga eskwelahan.

Kabilang sa mga pamantayang sinusunod sa pagsusuri ng palabas ang pagkakabuo ng modern artistry at kwento, pagsasalamin ng kultura ng bayan, at paggamit ng wikang Filipino.

Batid ni Gonzales na maituturing na insentibo sa mga artista at producer ang pagkilala gayong ginagamit ang kanilang sining sa loob ng silid-aralan.  Paglalahad niya, “[Dapat nating kilalanin] kasi [bukod sa pagpapalabas], may mga modules pa kaming binubuo tapos itinuturo.”

Naniniwala rin siyang susi ang pagpapanood ng pelikulang pang-akademya upang magkaroon ng direksyon at wastong kaalaman ang mga estudyante sa iba’t ibang disiplina. “We believe na ang pagtuturo, hindi lamang sa 4 corners of a room […] film is not only for recreation, kundi to educate,” diin ni Gonzales.

Narito ang listahan ng mga ginawaran sa 19th PASADO Awards:

Natatanging Gawad Pasado 2016

Ms. Jaclyn Jose (Ma’Rosa)

Mr. Paulo Ballesteros (Die Beautiful)

Pinakapasadong Pelikula sa Paggamit ng Wika at Kamalayang Pangkultural

Tuos (Joseph Israel Laban at Ferdinand Lapuz)

Pinakapasadong Pelikula sa Kamalayang Pagkakapantay-pantay ng mga Kasarian

Die Beautiful (Direktor, Jun Robles Lana)

Pinakapasadong Natatanging Guro

Dr. Fanny Garcia (Professor and Writer)

Pinakapasadong Likhang-Bata sa Pagganap (Child Performer)

Simon Ezekiel Pineda (The Super Parental Guardians at Ang Probinsyano)

PASADO, Gawad Dangal ng Kabataan

Alden Richards

Maine Mendoza

Pinakapasadong Simbolo sa Kagandahang Asal at Pinakapasadong Aktor sa Teleserye

Coco Martin

Pasado Lifetime Achievement Award (Dangal ng Pasado)

Ms. Amalia Fuentes

Natatanging Gawad Pasado sa Maestro ng Pelikulang Pilipino

Direktor Elwood Perez

Pinakapasadong Lingkod-Bayan

Mike Enriquez

Pinakapasadong Pelikula ng Taon

Ang Babaeng Humayo (Cinema One Originals, Sine Olivia Pilipinas)

Tuos (Purple Pig Production)

Hele sa Hiwaga ng Hapis (Star Cinema, Ten17 Productions, Epic Media, Sine Olivia Pilipinas)

Iadya Mo Kami (BG Productions International)

Ma’Rosa (Center Stage Productions)

Pinakapasadong Direktor

Lav Diaz (Ang Babaeng Humayo)

Mel Chionglo (Iadya Mo Kami)

Pinakapasadong Aktor

Piolo Pascual (Hele sa Hiwagang Hapis)

Allen Dizon (Iadya Mo Kami)

Enrique Gil (Dukot)

Pinakapasadong Aktres

Vilma Santos (Everything About Her)

Charo Santos-Concio (Ang Babaeng Humayo)

Pinakapasadong Katuwang na Aktor

Paulo Avelino (The Unmarried Wife)

Zanjoe Marudo (The Third Party)

Pinakapasadong Katuwang na Aktres

Barbie Forteza (Tuos)

Aiko Melendez (Iadya Mo Kami)

Pinakapasadong Istorya

Denise O’Hara (Tuos)

Pinakapasadong Tunog

Robert Delgado (Kute)

Pinakapasadong Musika

Robert Delgado (Kute)

Pinakapasadong Editing

Lav Diaz (Babaeng Humayo)

Pinakapasadong Sinematograpiya

Mycko David (Iadya Mo Kami)

Pinakapasadong Dulang Pampelikula

Denise O’Hara (Tuos)

Pinakapasadong Disenyong Pamprodusyon

Popo Diaz (Hele sa Hiwagang Hapis)

PASADO Gawad Pasasalamat

De La Salle University, Manila

Departamento ng Filipino

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?