Pagtaas ng sahod at pagwakas ng ENDO, isinulong ng mga manggagawa

2 May 2017
227 Views

ni Jessie Angelo Lee

“National minimum wage, ipaglaban! Manggagawang kontraktwal, gawing regular!” panawagan ng mga manggagawang nakibahagi sa isinagawang kilos-protesta bilang paggunita sa Araw ng Paggawa kahapon, Mayo 1 sa Liwasang Bonifacio.

Pinangunahan ng Kilosang Mayo Uno (KMU) at Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang protestang may layuning itaas ang pambansang minimum wage sa P750 kada araw at ang pagwawakas ng End of Contract (ENDO).

Sinimulan ni Elmer “Ka Bong” Labog, Chairperson ng KMU, ang programa sa pagsambit na imperyalismo ang puno’t dulo nang pang-aabuso sa mga manggagawang Pilipino. Inaabuso, aniya, ng mga banyagang korporasyon ang mga manggagawa upang mapasakanila ang mas malaking kita.

Ibinahagi ni Ka Bong na maaaring mas matagal sa walong oras ang trabahong ginagawa ng mga manggagawa subalit hindi sila nabibigyan ng overtime pay o mas mababa pa sa minimum wage ang ibinabayad sa kanila.

Sinuportahan naman ni Ferdie Gaite, National President ng Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees, ang pahayag ni Ka Bong. Aniya, nararapat lang na taasan ang sahod ng mga manggagawa dahil hindi nakabubuhay ng isang pamilya ang kasalukuyang minimum wage.

“Hindi nakabubuhay ang sahod dito, kundi nakamamatay… ang depinisyon ng social justice ay dapat kayang buhayin ng sahod ang buhay ng isang [pamilyang] Pilipino,” pagbibigay-diin ni Gaite.

Binaling naman ni Judy Taguiwalo, kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang mga tagapakinig tungo sa ENDO. Isinaad niyang nararapat bigyang-seguridad ng mga kompanya ang mga manggagawa nito dahil karapatan nilang tiyaking hindi sila basta-bastang mawawalan ng hanapbuhay.

Matapos ang programa sa Liwasang Bonifacio, nagmartsa patungong Mendiola ang mga manggagawa. Sinunog nila ang isang vulture effigy bilang patunay na hindi sila kailanman luluhod at magpapagapi sa imperyalismong Estados Unidos.

 

Retrato – kuha ni Mitzi Gabit

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?