DLSU Lady Booters, pasok na sa finals matapos pabagsakin ang UST!

24 April 2017
230 Views

ni Justine Earl Taboso

PINULBOS ng DLSU Lady Booters ang UST Growling Tigresses nang patumbahin sa iskor na 3-1 sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 Women’s Football Tournament, Abril 23 sa Moro Lorenzo Field.

Dikdikan ang naging panimula ng parehong koponan sa pagbubukas ng laro. Agad nagpamalas ng man to man defense ang Taft based squad upang pabagalin ang opensa ng España mainstays. Gayunpaman, nalusutan ang kanilang depensa matapos ang isang low shot mula kay Mary Joy Indac sa 21’ minute mark ng laban. Bunsod nito, maagang lumamang ang UST, 1-0.

Agad pinaigting ng Green and White team ang kanilang opensa at depensa sa pamamagitan ng team synergy at fast paced scoring na naging malaking kalbaryo para sa kalabang koponan. Nahirapang sumabay ang UST sa deceiving one touch passes ng Taft mainstays na sinundan ng isang matinding center shot mula sa lethal weapon ng koponan na si Kyra Dimaandal sa 36’ minute mark ng laro. Naitabla ng DLSU ang laro sa pagtatapos ng 1st half, 1-1.

Naging mailap sa paggawa ng puntos ang mga gameplay ng parehong koponan sa pagbubukas ng 2nd half ng bakbakan. Iilang attempt ang ginawa ng UST ngunit hindi ito hinayaan ni goalkeeper Inna Palacios sa kanyang matibay na barikada. Ipinagpatuloy ng DLSU Lady Booters ang field coordination hanggang mabasag ang depensa ng UST nang magpakawala ng isang malakas na tira si Lady Booter Nina Arrieta sa ika-50 minuto ng laro.

Ginamit ng DLSU Lady Booters ang kanilang momentum upang lalo pang palakihin ang bentahe. Kasunod nito ang pagpapasiklab ni Lady Booter Chelo Hodges sa 80’ minute mark ng laro upang palobohin ang kalamangan. Sinubukang humabol ng UST Growling Tigresses ngunit hindi na kinaya pa ang bagsik ng DLSU. Natapos ang laro, 3-1, pabor sa Green and White Team.

Sunod na kalalabanin ng DLSU Lady Booters ang magtatagumpay sa sagupaan ng UST Growling Tigresses at Ateneo Lady Eagles sa finals.

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?