Match-up ng top tier teams: DLSU Green Booters, itinabla ang laban kontra FEU Tamaraws!

26 March 2017
278 Views

nina Miguel Gaspar at Justine Earl Taboso

NAUWI sa tabla ang laban sa pagitan ng DLSU Green Booters at Far Eastern University (FEU) Tamaraws, 1-1, sa ikalawang round ng UAAP Season 79 Men’s Football Tournament, Marso 25 sa Rizal Memorial Stadium.

Ganadong binuksan ng parehong koponan ang laro matapos ang palitan ng ball posessions sa simula pa lamang ng laro. Magagandang swipe ang ipinamalas ni Green Booter Nicolas Villacin na malaking tulong kina Green Booters Darius Diamante at Jose Montelibano sa pagsasagawa ng multiple shot attempts. Sinabayan pa ito ng defensive blockade ni goalkeeper Raphael de Guzman na lalo pang nagpahirap sa kalabang koponan.

Gayunpaman, matinding depensa ang ibinigay ng goalkeeper ng Morayta-based squad dahilan upang hindi makapagtala ng puntos ang Taft-based squad. Dagdag pa rito, tila kumupas nang panandalian ang depensa ng Green and White team matapos maiwang bukas ang goalĀ na sinundan ng isang wild chip shot. Buhat nito, nakapuntos ang FEU at pabor sa kanilang natapos ang first half, 0-1.

Hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang DLSU Booters sa 2nd half ng laro. Magkasunod na close attempts sa 46 at 49-minute marks ang nagawa nina Montelibano at rookie Juan Siggaoat ngunit matagumpay pa rin itong nadepensahan ng kabilang koponan. Ipinagpatuloy ng DLSU ang team play at ball rotation hanggang sa makapuntos si Siggaoat sa 51-minute mark upang maitabla ang laro, 1-1.

Sinubukan pang lumamang ng Taft mainstays mula sa isang cornerkick attempt ni Diamante subalit nagresulta lamang ito sa isang unforced error. Isang big defensive stop naman mula kay DLSU Green Booter Jhoguev Ybanez ang nagligtas sa koponan mula sa nagbabadyang pagpuntos ng FEU.

Lalo namang uminit ang tensyon matapos magkainitan ang dalawang koponan dahil sa dikdikang man-to-man defense na naging dahilan ng pagpataw ng yellow card sa DLSU at FEU.

Sinubukan pang pumuntos ng FEU sa pagpapatuloy ng laro. Dalawang crucial saves ang itinala ni de Guzman sa 72 at 75-minute mark upang mapigilan ang pagpuntos ng kalaban at natapos ang laro sa isang draw, 1-1.

Isang pangarap na natupad para kay Rookie Juan Siggaoat ang kauna-unahang puntos niya sa kanyang UAAP football career. Aniya, ” It’s a dream come true to score for the school I’m representing.” Dagdag pa rito, tinitiyak ni Siggaoat na lalo pa nilang pagbubutihan bilang isang koponan sa mga susunod pa nilang labang kahaharapin. “I think they’ll see na we’re improving as a team and we’re gonna win more games,” pagdidiin ni Siggaoat.

Sunod na kalalabanin ng DLSU Green Booters ang National University (NU) Bulldogs, Marso 30 sa Moro Lorenzo Field.

Retrato – Kuha ni Mitzi Gabit

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?