CURE commitee sa STC at iba pang resolusyon, ipinasa ng LA

25 March 2017
1168 Views

nina Kyle Llanes at Andre Nidoy

INAPRUBAHAN ng Legislative Assembly (LA) ang mga resolusyong tumatalakay sa Council of University Representatives (CURE) commitee sa DLSU Science and Techonology Complex (STC), open letter para sa paglahok ng mga Lasalyano sa Earth Hour, at University Student Government (USG) Administrative Code sa LA session, Marso 24 sa LS111.

Sinimulan ang pagpupulong sa pagtalakay ng kahalagahan ng pagkakaroon ng CURE committee sa STC. Trabaho ng CURE na gumawa ng iba’t ibang komite sa loob ng kampus upang mabigyan ng representasyon ang mga estudyante.

Binigyang-diin ni STC Government President Krisitian Sisayan na importanteng magkaroon ng hiwalay na komite ang dalawang kampus dahil may mga isyu sa STC na hindi nararanasan ng Taft campus. Dagdag pa niya, makakatulong ito sa pagtataguyod ng magandang relasyon sa pagitan ng mga estudyante ng STC.

Sunod namang pinag-usapan ang open letter na naghihimok sa mga Lasalyano na lumahok sa gaganapin na Earth Hour. Inilabas ang naturang liham upang magkaroon ng kamalayan ang pamayanang Lasalyano sa pandaigdigang problemang dulot ng global warming .

Sa huling bahagi ng sesyon, inaprubahan na ang resolusyong nagbabawal sa mga nahalal na opsiyal ng USG na gamitin ang negosyo ng kanilang pamilya para pondohan ang proyekto ng kanilang unit. Ayon sa LA, makatutulong ang pag-apruba nito sa pagpapabuti ng pamamahala ng USG.

 

Retrato – kuha ni Arah Reguyal

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?