Sexual Harassment Awareness at iba pang resolusyon, tinalakay ng LA

18 March 2017
292 Views

ni Josee’ Ysabella Abriol

PINAGPULUNGAN ang mga resolusyon hinggil sa open letter para sa sexual harassment awareness, check and balance monitoring para sa mga resolusyon ng Legislative Assembly (LA), at inhibition procedure ng University Student Government (USG) Administrative Code sa LA session, Marso 18 sa LS111.

Sa simula ng sesyon, inihalal si EXCEL2018 LA representative Andrew Militante bilang Majority Floor Leader.

Sunod namang pinag-usapan ang paglalabas ng open letter na hihimok sa mga Lasalyano na tumindig laban sa sexual harassment. Ilalabas ang naturang liham bilang pagtugon sa insidenteng bumiktima sa 3rd year college student ng University of Santo Tomas. Ayon sa LA, kailangan tumugon ang pamayanang Lasalyano sa naturang isyu gayong dumarami na ang bilang ng nabibiktima ng sexual harassment sa buong mundo.

Isinagawa rin ang talakayan hinggil sa panukalang proyekto ni Office of the Vice President (OVPIA) Executive Chairperson for University Programs and Policies Igi Natanauan. Inimbatahan si Natanauan upang ipaalam ang check and balance project na makatutulong sa mas epektibong implementasyon ng mga resolusyon ng LA. Paliwanag niya, mas mabibigyan ng real time update ang mga may akda ng resolusyon gamit ang itatakdang Google Forms para sa LA at monitoring team.

Muli namang ipinagpatuloy ang talakayan hinggil sa USG Administrative Code. Nagkakaiba ang opinyon ng LA representatives sa usaping inhibition o hindi pagpayag na maging supplier ng USG fundraising activities (FRAs) ang negosyo ng mga nahalal na opisyal at myembro ng central committee nito.

Para sa ilang LA representative, hindi dapat maging supplier ang sinomang bahagi ng FRA dahil mangangahulugaan itong mayroon siyang pinansyal na interes sa student government. Naniniwala silang makatutulong ang inhibition upang manaig ang good governance at mapangalagaan ang reputasyon ng USG.

Ipinaliwanag naman ng mga hindi pabor sa inhibition na posibleng makatulong ang negosyo ng mga estudyante para makakuha ng mas mura at de-kalidad na mga produkto. Dagdag nila, magiging daan ito upang maiwasan ang mga problemang kinaharap ng USG units noon gaya ng scamming at hirap sa pagkuha ng supplier.

Sa huling bahagi ng sesyon, napagdesisyunang ilatag muna ang USG Administrative Code dahil kailangan munang isaaalang-alang ang bawat puntong ibinato ng LA representatives.

 

 

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?