Proteksyon sa karapatang pantao, itinataguyod ng student leaders

18 March 2017
247 Views

nina Kathleen Elayda at Kyle Llanes

NAGTIPON ang student leaders mula sa iba’t ibang pamantasan upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa Death Penalty Bill at Batang Bilanggo Bill sa isinagawang press conference, Marso 16 sa Hotel Benilde.

Sinumulan ang pagpupulong sa pagpapahayag ng Manifesto of the Young Lasallian Leaders Against Death Penalty and Batang Bilanggo Bill na pinangunahan ni DLSU University Student Government (USG) President Zed Laqui. Nakapaloob sa manifesto ang pagtutol ng mga student leader sa mga nasabing bill dahil sa paniniwalang hindi nito malulutas ang krimen sa bansa.

Sumunod dito ang pagbibigay ng tindig sa usapin ng ilang estudyante mula sa De La Salle Santiago Zobel, Diocese of Paranaque Catholic Schools Association, Ateneo Law Student Council, DLSU Law Student Government, at UP Law Student Government. Matapos nito, nagkaroon ng diskurso tungkol sa mga programang kanilang ipinatutupad.

Binuksan din ang talakayan hinggil sa mga inilatag na plano ng dumalong student leaders upang mapigilan ang pagsasabatas ng Death Penalty Bill at Batang Bilanggo Bill. Kabilang dito ang pagsasagawa ng bawat student government ng forums, symposiums, prayer walks, noise barrage, at social media campaign.

Ani De La Salle Santiago Zobel MOVE President Bianca Alvarez, “Our goal is to educate and not impose a stand. It is important that the students know what they’re taking a stand about and they know both perspectives of the issue.”

Paniniwala naman nina Arellano Law Student Council President Allene Gonzalez at DLSU-Law Student Government Executive Secretry Kylee Navaro, nagkakaiba ng paniniwala ang law students sa usaping death penalty. Bilang pagtugon, hinahayaan lamang ng student government ang mga estudyante na ipahayag ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na ebidensya upang suportahan ang kanilang argumento.

Tulad ni Alvarez, naniniwala sina Gonzales at Navaro na may karapatan ang bawat estudyanteng manindigan sa pagpasa ng dalawang bill. Pagdidiin pa nila, nagsisilbing-gabay at tagahatid ng tamang impormayson ukol sa mga pambansang diskurso ang kanya-kanyang student government.

Samantala, inihayag ni Laqui ang kahalagahan ng pagbibigay ng pagkakataon upang makibahagi ang mga estudyante sa mga problemang kinahaharap ng bansa. Dagdag pa niya, “It’s finally time for the youth to voice out their concerns and for the youth to mobilize together in voicing out a collective concern.”

Para naman kay DLSU Vice President for External Affairs Reigner Sanchez, aktibong lumalahok ang mga estudyante sa pagtuligsa sa mga isyu ng bansa ngunit may iba pa ring nagaalinlangan sa pagsuporta rito.

Pagsasaad naman ni St. Scholastica’s College Student Council President Jan Laurice Magbuhos, “The students become more curious, they become more empowered to be more involved.”

 

Retrato – kuha ni Kathleen Elayda

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?