20 minuto, hatid ang pagkamulat, pagbabago, at pagkatuto

1 December 2016
441 Views

ni Gabriel Frances Timog

“Reading will continue to be the prime element in creating generations of fully informed Filipinos,” paglalarawan ni dating Presidential Communications Secretary at Manila Bulletin Executive Vice President Dr. Herminio Coloma Jr. sa tungkuling ginagampanan ng pagbabasa sa pagkatuto ng bawat Pilipino.

Taon-taong ipinagdiriwang ang National Reading Month tuwing sumasapit ang buwan ng Nobyembre. Bilang pagsuporta sa nasabing adbokasiya, inilunsad ng Manila Bulletin Publishing Corporation ang Read for 20 sa National Book Store Glorietta, Makati City noong Nobyembre 25. Layunin ng programang makaugalian ng kabataan ang pagbabasa nang hindi bababa sa 20 minuto kada araw.

Karunungang handog ng silid-aklatan

Tinutugunan ng Read for 20 ang unti-unting pagkawala ng interes na magbasa sa pamamagitan ng paglulunsad ng book drive sa iba’t ibang pampublikong lugar sa bansa. Isa sa mga benepisyaryo ng nasabing programa ang MovEd, isang non-government organization na sinisikap na pangalagaan ang mga kabataan at pamilyang hindi gaanong naaabot ng tulong mula sa gobyerno.

Sa Nobyembre 2017, isasapubliko ang lahat ng librong makakalap mula sa book drive bago tuluyang ipadala sa mga napiling komunidad sa Barangay Carangcang, Magarao, Camarines Sur, at Barangay Tanza, Navotas City.

“All book donations will be consolidated and displayed in ‘Wonders of Reading’ library that will feature iconic landmarks, such as the Eiffel Tower, the Roman Colosseum, and the Pyramids of Giza. […] Reading can take you on flights of wonder and imagination to all those places,” pagbabahagi ni Coloma.

11-25-16-read-20-2nd-kuha-ni-justin-aliman
Kaakibat ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya ang pagbubukas ng napakaraming alternatibong paraan ng pagbabasa. Bagamat hindi ipinagbabawal, hinihimok pa rin ni Victor Villanueva, pangulo ng Reading Association of the Philippines, ang publikong magbasa ng mga libro kaysa e-book.

Ayon kay Villanueva, maaaring ang liwanag na nagmumula sa tablet ang dahilan upang mas mabilis na mapagod ang mga mata ng mambabasa. “Mas mahirap i-build ang stamina for reading because of the glare… may research din ngayon na the retention of information tend to be less strong when it’s read from a form of digital format rather than on a book, on a printed page,” giit niya.

20 minuto tungo sa pagkatuto

Itininuturing ang pagbabasa bilang isa sa mga gawaing humuhubog sa isipan ng bawat tao. Ani Coloma, “[Based on studies], reading 20 minutes per day will expose us to 1,800,000 words per year and will give us a chance to get 90% in a standardized test.”

Nakapaloob sa iba’t ibang libro ang mga kwento ng bayani, sibilisasyon, alamatt iba pang mga paksang huhulma sa imahinasyon ng mga mambabasa. Gayunpaman, nakapanghihinayang na bihira nang nakakamit ng kabataan ang ganitong uri ng pagkatuto.

Nagbahagi ang Manila Bulletin ng media kit para sa mga media organization na dumalo sa Read for 20. Nilalaman nito ang mga pangunahing impormasyon patungkol sa pagbabasa at iba pang salik na nakaaapekto rito. Halimbawa, ayon sa Social Weather Stations, bumaba ang readership sa mga dyaryo, magasin, at komiks mula 94% noong 2003 at 88% na lang noong 2012.

Sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga mambabasa, mayroon pa ring patuloy na nahuhumaling dito. Pagbabahagi ni Misha Borbon, Public Affairs Division ng Philippine Institute for Development Studies, mas gugustuhin pa rin niyang magbasa ng libro kaysa electronic books. Aniya, “I feel like [the] physical document, having it in your hands makes it more real, so there’s that quality or feeling.”

11-25-16-read-20-3rd-kuha-ni-justin-aliman

Ibinahagi rin ni Borbon ang paborito niyang libro na McMafia ni Misha Glenny. “It’s investigative journalism kasi, and it exposes organized crimes around the world and connects every single cartel,” dagdag pa niya. Ipinaliwanag ni Borbon na tinalakay ng naturang akda ang ekonomya at politika, maging ang mga kalakaran at anomalyang nangyayari dito na lingid sa kaalaman ng nakararami .

Pag-asang hatid ng pagbabasa

“Many Filipinos have shifted to using digital devices such as smartphones, tablets, laptops, and smart watches for accessing news and information that used to be provided primarily by print media,” paglalahad ni Coloma. Nakalulungkot isiping kaunti na lamang sa kabataan ngayon ang nakararanas na lumundag sa tuwa tuwing may bagong libro.

Bagong umaga sa mistulang dapithapon – hindi pa huli ang lahat. Bilang kabataan at magulang sa kalaunan, may magagawa ang bawat isang muling buhayin ang kultura ng pagbabasang naging bahagi na ng pagkakatuto ng bawat tao. Pagtatapos ni Coloma, “If each of us will develop this habit, read for 20 minutes a day, read for life. To read is to be happy, to read is to be fully alive.”

Retrato – mga kuha ni Justin Aliman

Tweet about this on TwitterShare on FacebookEmail this to someone

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

Login

Lost your password?